Bahay ng konsehal grinanada
MANILA, Philippines - Niyanig ng dalawang insidente ng pagsabog ang bahay ng isang kapatid ng namayapang si National Bureau of Investigation Director Reynaldo Wycoco sa Cabiao, Nueva Ecija kahapon ng madaling araw.
Ayon sa imbestigasyon, isang Molotov bomb ang inihagis sa tahanan ni Jomar Wycoco, konsehal sa nasabing bayan.
Matapos ito ay isa pang granada ang inihagis ng mga suspek na bumagsak rin sa compound ng bahay ni Councilor Wycoco.
Sinabi ni Wycoco na naalimpungatan siya sa pagkakatulog bunga ng dalawang magkakasunod na pagsabog. Napinsala ang ka niyang mga behikulo na nakaparada sa may garahe ng kaniyang tahanan. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending