Mag-ama dinukot

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga hinihi­nalang miyembro ng Pentagon kidnap for ransom gang ang isang negosyan­ teng Filipino-Chinese at sampung taong gulang na anak nitong babae sa Co­tabato City ka­makalawa ng hapon.

Ayon kay Cotabato City Police Director Senior Superintendent Willie Danga­ne, dakong alas-5:00 ng ha­pon kamakalawa nang du­kutin ng mga armadong sus­pek ang mag-amang sina Wilson Tan, 50 anyos at anak nitong si Jennifer, kapwa residente ng Don. E. Sero St., Rosary Heights sa naturang lungsod.

Base sa imbestigasyon, ang mag-ama ay dinukot ng mga suspek sa harapan ng kanilang tahanan habang lulan ng kanilang sasak­yang abong Mazda van na may plate number MVR 879 ka­ sa­ma ang misis nitong si Janet.

Nagawa naman ni Janet na makatakbo palayo ha­bang nagka­ka­gulo ang kan­yang asawa at ang mga kidnapper sa loob ng sasak­ yan.

Ang mga suspect ay ma­bilis na tumakas patungo sa direksyon ng Sitio Camasi Pob­lacion 9 kung saan ay gi­namit pa ng mga itong getaway vehicle ang sasakyan ng pamilya.

Natagpuan kinalaunan ng pulisya ang sasakyan ng mga biktima ngunit sinunog ito ng mga kindappers.

Show comments