Guro kinasuhan sa pananakit
BATANGAS CITY, Philippines – Nasa balag ng alanganin ang isang elementary school science teacher matapos ireklamo ng mga magulang ng kanyang estudyante na sinasabing sinaktan noong Lunes ng Enero 12 sa Batangas City, Batangas.
Sinampahan ng kaukulang kaso ang suspek na si Segunda Yolanda Cullar ng Barangay Cuta Journal, Batangas City at substitute teacher ng Batangas City South Elementary School.
Inireklamo si Cullar matapos hampasin niya ng matigas na libro ang kanyang estudyanteng si John Daniel Ibon, kung saan nahuling tumatawa ang bata habang nakapila ang mga ito papalabas ng kanilang klasrum.
Base sa medical certificate na ipinalabas ni Dr. Oscar Perez, nagtamo si Ibon ng traumatic injuries sa kanyang kaliwang tenga at makaramdam ng pag-ugong dahil sa pamamaga sa labas, kanal at gitnang bahagi ng tenga.
“Posibleng nagkaroon ng psychological effect sa bata ang pangyayari kaya kinakailangan itong sumailalim sa theraphy,” dagdag pa ni Dr. Perez
“Nahihiya na po akong pumasok kasi napahiya po ako sa mga kaklase ko,” pahayag ng biktima
Samantala, nagkasundo ang dalawang partido na ipagagamot na lamang ni Cullar ang bata, subalit hindi natupad ang kanilang pinagkasunduan na nagbunsod para ituloy ang demanda ng pamilya Ibon laban kay Cullar.
Sinikap namang kunin ng PSN ang pahayag ni Cullar su balit hindi ito makontak sa kanyang cellphone. Arnell Ozaeta
- Latest
- Trending