LIPA CITY, Batangas, Philippines – Pormal nang kinasuhan ng murder, frustrated murder at unintentional abortion ang dalawang bagitong pulis na itinuturong responsable sa pamamaril sa mag-asawang negosyante sa Lipa City noong Valentine’s Day dahil sa away trapiko.
Kinilala ni P/Supt. Francisco Rodriguez, hepe ng pu lisya sa Lipa City, ang mga suspek na sina PO1 William Catapat at PO2 Rosti de Lunas, kapwa naka-assign sa Police Security Protection Group (PSPG) sa Camp Crame, Quezon City.
Ayon kay Rodriguez, ang dalawang suspek ay positi bong kinilala ng biktimang si Gary Estolano sa pamamagitan ng carthographic sketch at file photos ng mga bagong police recruits nang iprinisinta sa imbestigasyon.
Si Estolano, 54, kasama ang kanyang asawang si Ro salia, 30, ay binabagtas ang kahabaan ng barangay road sa Barangay Pinagtungulan sakay ng kanilang Isuzu Trooper (XGB-957) nang makagitgitan nila ang sasakyan ng mga suspek na Honda CRV bandang alas-10:30 ng gabi
Ikinagalit ng dalawang pulis ang pangyayari at su nud-sunod na pinaputukan ang sasakyan ng mga Estolano gamit ang M-16 Armalite rifle hanggang sa tamaan sa likod si Rosalia, na apat na buwang buntis.
Sinikap pang itakbo ni Gary ang kanyang asawa sa Mary Mediatrix Hospital pero nasawi may ilang minuto lang habang nasa emergency room.
Napag-alamang papunta sana ang mag-asawa sa resort spa para magdiwang ng kanilang wedding anniversary at Valentine’s Day nang maganap ang trahedya. Arnell Ozaeta