^

Probinsiya

2 pulis kinasuhan sa Valentine's Day murder

-

LIPA CITY, Batangas, Philippines  – Pormal nang kinasuhan ng murder, frustrated murder at unintentional abortion ang dalawang bagi­tong pulis na itinuturong responsable sa pamamaril sa mag-asawang negos­yante sa Lipa City noong Va­lentine’s Day dahil sa away trapiko.

Kinilala ni P/Supt. Francisco Rodriguez, hepe ng pu­ lisya sa Lipa City, ang mga sus­pek na sina PO1 William Catapat at PO2 Rosti de Lu­nas, kapwa naka-assign sa Po­lice Security Protection Group (PSPG) sa Camp Crame, Quezon City.

Ayon kay Rodriguez, ang dalawang suspek ay positi­ bong kinilala ng biktimang si Gary Estolano sa pamama­gitan ng cartho­graphic sketch at file photos ng mga bagong police recruits nang iprinisinta sa imbestigasyon.

Si Estolano, 54, kasama ang kanyang asawang si Ro­ salia, 30, ay binabagtas ang kahabaan ng barangay road sa Barangay Pinagtu­ngulan sakay ng kanilang Isuzu Troo­per (XGB-957) nang makagit­gitan nila ang sasakyan ng mga suspek na Honda CRV bandang alas-10:30 ng gabi

Ikinagalit ng dalawang pulis ang pangyayari at su­ nud-sunod na pinapu­tukan ang sasakyan ng mga Esto­lano gamit ang M-16 Armalite rifle hanggang sa tamaan sa likod si Ro­salia, na apat na buwang buntis.

Sinikap pang itakbo ni Gary ang kanyang asawa sa Mary Mediatrix Hospital pero nasawi may ilang minuto lang habang nasa emergency room.

Napag-alamang pa­pun­ta sana ang mag-asawa sa resort spa para magdiwang ng kanilang wedding anniversary at Valentine’s Day nang maganap ang tra­hedya. Arnell Ozaeta

ARNELL OZAETA

BARANGAY PINAGTU

CAMP CRAME

FRANCISCO RODRIGUEZ

GARY ESTOLANO

ISUZU TROO

LIPA CITY

MARY MEDIATRIX HOSPITAL

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with