Ina inutas ng anak

LEGAZPI CITY, Albay — Isang 77-anyos na ina ang ini­ulat na nasawi makaraang hatawin sa ulo ng kanyang anak na sinasabing may kapansanan sa pag-iisip kamakalawa ng hapon sa Sitio Larning, Barangay Pantat, sa bayan ng Ti­nambac, Camarines Sur.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Josefina Agbones, habang naaresto na­man ang suspek na si Delia Agbones, 40.

Base sa police report, lumilitaw na naghahanda ng hapunan ang biktima nang lapitan at paluin sa ulo ng suspek.

Namataan naman ng ilang kapitbahay ang insidente kaya mabilis na naipagbigay-alam sa pulisya. (Ed Casulla)

Show comments