Tiktik nilikida ng NPA

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  – Isang 28-anyos na magsasaka na sinasabing tiktik ng PNP at AFP ang iniulat na kinidnap saka pinatay ng mga rebeldeng New People’s Army kamakalawa ng umaga sa Purok 4, Barangay Bina­wangan sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte.

Ban­dang alas-7:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Ricky Flor­deliz ng Purok 5 ng nabanggit na barangay.

Base sa police report, itinaong papalabas ng bahay ang biktima nang harangin at bitbit ng mga armadong kala­laki­han patungo sa direksyon ng Brgy. Del Pilar. (Ed Casulla)

Show comments