TABUK CITY, Kalinga, Philippines – Tatlong kalalakihan nasa talaan ng pulisya na sangkot sa ibat’ibang uri ng krimen ang naaresto sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa Tabuk City, Kalinga noong Martes ng hapon.
Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng mababang korte, dinakip ang mga suspek na sina Peter Malinao na may kasong robbery; Stephen Calsiman na may kasong attempted parricide at si Jerry Diascan sa kasong homicide.
Ayon kay P/Supt. Alfredo Dangani, kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga suspek sa pagpapasabog sa pamilihan ng Tabuk City noong 2008. (Victor Martin)