Trader dedo sa ambus

BATANGAS, Philippines  – Hindi na naisilang ng isang buntis na negosyante ang sanggol sa sinapupunan makaraang ratratin ng mga di-pa kilalang kalalakihan sa bisinidad ng Barangay Pinagtungulan sa Lipa City, Batangas kamaka­lawa ng gabi.

Idineklarang patay sa Mary Mediatrix Hospital ang biktimang si Rosalia Esto­lano, 30, ng Barangay Bol­bok, Lipa City habang na­kaligtas naman ang asawa nitong si Gary.

Base sa ulat na nakara­ting kay P/Supt. Francisco Ro­driguez, hepe ng pulisya sa Lipa City, bandang alas-10:30 ng gabi habang na­kasakay ang biktima sa Isuzu AUV na minamaneho ng kanyang asawang si Gary patungo sa di-nabatid na lugar para idaos ang Valentine’s Day nang hara­ngin at ratratin ng mga ar­madong kalalakihan na sakay ng Honda CRV.

Pansamantalang di-tinu­koy ng pulisya ang motibo ng pananambang habang patuloy ang imbestigasyon. (Arnell Ozaeta)

Show comments