MANILA, Philippines - Isang Sri Lankan na miyembro ng National Civilian Peacekeeper for Non-Violent Peace Force ang dinukot ng siyam na armadong kalalakihan sa Lamitan City, Basilan kahapon ng madaling-araw.
Base sa report ng Task Force Trillium, kinilala ang bihag na si Umar Jaleel aka Jamil Omar, miyembro ng nabanggit na dayuhang NGO ng Yakan Integration Resources Foundation.
Kasalukuyan na mang iniimbestigahan kung may kinalaman ang mga bandidong Abu Sayyaf at Moro Islamic Liberation Front rogue elements sa pagbihag sa naturang Sri Lankan.
Ayon kay Navy Spokesman Marine Lt. Col. Edgard Arevalo, naganap ang pagdukot kay Jaleel matapos na puwersahang pasukin ng mga kidnapper ang opi sina at tahanan nito sa kahabaan ng Barangay Maloong San Jose sa national highway ng Lamitan City dakong alas-2:30 ng madaling-araw kahapon.
Sa nasabing insi dente ay nagawa namang makatakas ng civilian volunteer na si Gil Tura, caretaker ni Jaleel at inireport ang insidente sa mga awtoridad.
Ayon kay Arevalo, wala pang ransom demand na natatanggap ang mga awtoridad at maging ang pamilya o kasamahan ng nasabing bihag.
Sa kasalukuyan ay bihag pa rin ng Abu Sayyaf at MILF renegades sa Basilan ang tatlong guro na sina Freirez Quizon, Rafael Mayonada at Jeannette de los Reyes na dinukot noong Enero 23 sa karagatan ng Manicahan sa Zamboanga City.