^

Probinsiya

Sri Lankan dinukot sa Basilan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang Sri Lankan na miyembro ng National Civilian Peacekeeper for Non-Violent Peace Force ang dinukot ng siyam na armadong ka­lalakihan sa Lamitan City, Basilan kahapon ng madaling-araw.

Base sa report ng Task Force Trillium, kini­lala ang bihag na si Umar Jaleel aka Jamil Omar, miyembro ng nabanggit na dayuhang NGO ng Yakan Integration Resources Foundation.

Kasalukuyan na­ mang iniimbestigahan kung may kinalaman ang mga bandidong Abu Sayyaf at Moro Islamic Liberation Front rogue elements sa pagbihag sa naturang Sri Lankan.

Ayon kay Navy Spokesman Marine Lt. Col. Edgard Arevalo, naganap ang pagdukot kay Jaleel matapos na puwersahang pasukin ng mga kidnapper ang opi­ sina at tahanan nito sa ka­habaan ng Ba­rangay Maloong San Jose sa national highway ng Lamitan City da­kong alas-2:30 ng ma­da­ling-araw kahapon.

Sa nasabing insi­ dente ay nagawa na­mang makatakas ng civilian volunteer na si Gil Tura, caretaker ni Jaleel at inireport ang insidente sa mga awtoridad.

Ayon kay Arevalo, wala pang ransom demand na natatanggap ang mga awtoridad at maging ang pamilya o kasamahan ng nasa­bing bihag.

Sa kasalukuyan ay bihag pa rin ng Abu Sayyaf at MILF renegades sa Basilan ang tatlong guro na sina Freirez Quizon, Rafael Mayonada at Jeannette de los Reyes na dinukot noong Enero 23 sa karagatan ng Manica­han sa Zamboanga City.

vuukle comment

ABU SAYYAF

AYON

BASILAN

EDGARD AREVALO

FREIREZ QUIZON

GIL TURA

ISANG SRI LANKAN

JALEEL

LAMITAN CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with