2 katao dedo sa pamamaril

QUEZON, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang tatlo naman ang nasugatan, sa na­ganap na panibagong karahasan kamakalawa ng gabi sa Barangay Sta. Catalina Sur, Candelaria, Quezon. Kini­lala ng pulisya ang mga namatay na sina Donato Con­cepcion, 47 at Felicisimo Villanueva, 37. Sugatan naman sina Cresenciana Magnaye Concepcion, Victor Mag­naye, at si Dennis. Base sa police report, lumilitaw na ki­nompronta ni Donato ang kanyang bayaw kaugnay sa alitan ng kanilang pamilya. Dahil sa matinding ba­ngayan ay namaril ang bayaw ni Donato bago tumakas. Tony Sandoval

Show comments