8 kidnaper tiklo, bihag nasagip

MANILA, Philippines - Walong kidnaper kabi­lang ang dalawang pulis at isang abogado ang iniulat na nasakote ng mga awtoridad habang nasagip naman ang bihag na trader sa isinaga­wang operasyon sa Zam­boanga City kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Anti-Kidnapping Task Group at Zamboanga City police chief Senior Supt. Mario Yanga, nailigtas si Eliseo Jablo, 44, may-ari ng AMR Fishing Co.

Kabilang sa mga naares­tong suspek ay sina PO2 Mar­cial  Lim, Grace Maba­tam Gonzales, Joel Gonza­les, Harmond Endong,  Atty. Hassan Alam, Saturnino Garcia, PO3 Aldwin Abdua  at si Joel Pena.

Sa police report na naka­rating sa Camp Crame, da­kong alas-9  ng umaga nang salakayin ng mga awtoridad ang kuta ng mga suspek sa Southcom Village, Brgy Ca­larian.

Magugunita na si Jablo ay kinidnap ng mga arma­dong kalalakihan na nagpa­kilalang mga bandidong Abu Sayyaf sa Barangay San Roque, noong Enero 28 kung saan makalipas ang ilang araw ay humingi ng P 20 milyong ransom. Joy Cantos

Show comments