4 anak ni-rape ng ama

QUEZON – Rehas na bakal ang binagsakan ng isang 42-anyos na ama makaraang halayin ang apat nitong anak na babaeng sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Barangay Silangang Mayao, Lucena City, Quezon.

Pormal na kakasuhan habang nakakulong ang suspek na si Porfirio Dalida. Ayon kay P/Senior Inspector Liza Aquino, Women’s and Children’s desk officer ng  Lucena, hinahalay ni Dalida ang kanyang mga anak na itinago sa mga pangalang Marah, 17; Lyka, 12; Rosel, 9; at si Renzy, 4.

Nadiskubre lamang ang masaklap na karanasan ng magkakapatid nang magsumbong na sina Lyka at Rosel sa kanilang school principal ng Hermana Fausta Elementary School, na siya namang nagsuplong sa mga awtoridad.

Mariin namang itinanggi ng suspek ang akusasyon. (Arnell Ozaeta)

Show comments