UNP sa Ilocos naabo

VIGAN CITY, Ilocos Sur – Aabot sa milyong ha­laga ng ari-arian ang ti­nupok ng apoy maka­raang masunog ang administration building ng University of Northern Phil­ippines sa Barangay Ta­mag, Vigan City kaha­pon ng madaling-araw.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Virgilio Fa­bros, Ilocos Sur police di­rector, bandang ala-una y medya ng madaling-araw nang magsimulang kuma­lat ang apoy sa bahagi ng southern part ng dala­wang palapag ng gusali kung saan matatagpuan ang mga administration office ng UNP, isa sa pina­ka­malaking priba­dong uniber­sidad sa Ilocos Sur.

Umabot sa tatlong oras ang sunog bago maapula ng mga tauhan ng pamatay-sunog mula sa Vigan City, Candon City, Santa Maria, Narvacan, Cabugao, Cao­ayan, Sta Catalina, at ang firetruck ng JTC at Fortune Tobacco firms. Hindi pa ma­buksan ang safety vault ng UNP dahil sa masya­dong mainit habang patu­loy na­man ang pagsisi­yasat. (Artemio Dumlao at Myds Supnad)

Show comments