UNP sa Ilocos naabo
VIGAN CITY, Ilocos Sur – Aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang administration building ng University of Northern Philippines sa Barangay Tamag, Vigan City kahapon ng madaling-araw.
Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Virgilio Fabros, Ilocos Sur police director, bandang ala-una y medya ng madaling-araw nang magsimulang kumalat ang apoy sa bahagi ng southern part ng dalawang palapag ng gusali kung saan matatagpuan ang mga administration office ng UNP, isa sa pinakamalaking pribadong unibersidad sa Ilocos Sur.
Umabot sa tatlong oras ang sunog bago maapula ng mga tauhan ng pamatay-sunog mula sa Vigan City, Candon City, Santa Maria, Narvacan, Cabugao, Caoayan, Sta Catalina, at ang firetruck ng JTC at Fortune Tobacco firms. Hindi pa mabuksan ang safety vault ng UNP dahil sa masyadong mainit habang patuloy naman ang pagsisiyasat. (Artemio Dumlao at Myds Supnad)
- Latest
- Trending