'Mag-lover' itinumba

VIGAN CITY, Ilocos Sur – Brutal na kamatayan ang sina­pit ng isang pulis at ka­sama nitong babae maka­raang rat­ratin ng motorcycle-riding assassin noong Biyernes ng gabi sa bayan ng Bantay, Ilocos Sur. Kinilala ang mga bik­tima na sina SPO4 Qui­ rino Palacpac Peria, 48, naka­ta­laga sa him­pilan ng pu­lisya sa bayan ng Lid­lidda at Nancy Carino Peros, 25.

Ayon sa im­bestigador ng pulisya, mag­kaangkas ang da­lawa sa mo­torsiklo pa­tungo sa bahay ng ba­bae nang maga­nap ang pana­nambang.

Halos madu­rog ang mukha ni SPO4 Peria dahil sa tama ng M16 Ar­malite rifle habang blanko pa rin ang mga pulis sa motibo ng pama­maslang sa dala­wa. (Artemio Dumlao)

Show comments