'Mag-lover' itinumba
VIGAN CITY, Ilocos Sur – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang pulis at kasama nitong babae makaraang ratratin ng motorcycle-riding assassin noong Biyernes ng gabi sa bayan ng Bantay, Ilocos Sur. Kinilala ang mga biktima na sina SPO4 Qui rino Palacpac Peria, 48, nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Lidlidda at Nancy Carino Peros, 25.
Ayon sa imbestigador ng pulisya, magkaangkas ang dalawa sa motorsiklo patungo sa bahay ng babae nang maganap ang pananambang.
Halos madurog ang mukha ni SPO4 Peria dahil sa tama ng M16 Armalite rifle habang blanko pa rin ang mga pulis sa motibo ng pamamaslang sa dalawa. (Artemio Dumlao)
- Latest
- Trending