Libreng operation sa mga bingot
RIZAL – Magsasagawa ng libreng serbisyo-medikal at operasyon ang panlalawigang pamahalaan ng Rizal para sa mga maralita na may depekto sa cleft lip at palate (bingot).
Sa nilagdaan memorandum of agreement nina Rizal Gov. Jun Ynares III, Phil. American Group of Educators and Surgeons (PAGES) at ang pamunuan ng Thunderbird Resorts, Inc., layuning mabigyan ng libreng serbisyo-medikal at operasyon ang mga mahihirap na pasyenteng may depekto.
Napag-alamang magpapadala ng mga gamot at gamit medical ang PAGES partikular na ang pangkat ng medical professionals na magsasagawa ng surgical mission sa Pebrero 11-16, 2009 sa Rizal Provincial Hospital sa Morong.
Nagbigay naman ng P.4 milyong halaga ang Thunderbird Resorts, Inc., sa pangunguha ng kanilang vice president for operations na si Raul Suerio kay PAGES coordinator Ricardo Fulgencio para sa freight and shipment charges ng mga container vans mula sa Ohio, USA na naglalaman ng mga medical and surgical supplies at kagamitan para sa outreach program.
Sa mga pasyente at grupong interesado sa libreng operasyon, makipag-ugnayan sa tel. # 653-1054/653-1055.
- Latest
- Trending