Manager tiklo sa pamemeke

KIDAPAWAN CITY – Kalaboso ang binagsakan ng isang manager ng insurance makaraang arestuhin ng pulisya sa kasong pamemeke ng mga dokumento sa Tacurong City, Sultan Kudarat. Pormal na kakasuhan bukas ang suspek na si Romeo Fernando dela Cruz, 34, manager ng First Integrated Insurance Co. at residente ng Purok Everlasting, Barangay New Isabela sa nabanggit na lungsod. Ayon kay P/Supt. Joel Limson, hepe ng Tacurong City PNP, sinalakay ng pulisya ang opisina ng suspek sa Purok 5 sa harapan ng regional trial court office at nakuha ang mga vehicle registration document na pinaniniwalaang peke. (Malu Manar)

Show comments