Alalay ni NEDA Sec. Recto inutas

BATANGAS – Nagsa­sagawa ng malawakang imbesti­gasyon ang pulisya sa sinapit na pagpaslang sa security personnel ng kapitolyo ng Batangas na tumatayong alalay ni NEDA Secretary Ralph Recto makaraang matagpuan ang bangkay nito sa kaha­baan ng Southern Tagalog Arterial Road  (STAR) Tollway sa bayan ng Malvar kaha­pon ng madaling-araw. Kinilala ni P/Senior Supt. Jesus Gatchalian, Ba­tangas police director, ang biktimang si Isagani Her­nandez, 47, ng Villa De Lipa, Brgy. Sabang, Lipa City. Ayon sa police report, may tama ng bala ng baril sa ulo si Hernandez ilang kilometro ang layo sa pag-aaring Mitsubishi Lancer (PFK-971) sa KM. 70 north­bound ng Star Tollway sa Brgy. Poblacion ban­dang alas- 2:12 ng mada­ling-araw. (Arnell Ozaeta)

Show comments