Alalay ni NEDA Sec. Recto inutas
BATANGAS – Nagsasagawa ng malawakang imbestigasyon ang pulisya sa sinapit na pagpaslang sa security personnel ng kapitolyo ng Batangas na tumatayong alalay ni NEDA Secretary Ralph Recto makaraang matagpuan ang bangkay nito sa kahabaan ng Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway sa bayan ng Malvar kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni P/Senior Supt. Jesus Gatchalian, Batangas police director, ang biktimang si Isagani Hernandez, 47, ng Villa De Lipa, Brgy. Sabang, Lipa City. Ayon sa police report, may tama ng bala ng baril sa ulo si Hernandez ilang kilometro ang layo sa pag-aaring Mitsubishi Lancer (PFK-971) sa KM. 70 northbound ng Star Tollway sa Brgy. Poblacion bandang alas- 2:12 ng madaling-araw. (Arnell Ozaeta)
- Latest
- Trending