Lider ng rebelde timbog

Bumagsak sa pinagsanib na puwersa ng militar at pu­ lisya ang isang pinaghihina­laang lider ng mga rebeldeng New People’s Army na naka­base sa Central Visayas sa operasyon sa Cebu kamaka­lawa.

Kinilala ni Armed Forces of the Philippines-Central Command Spokesman Major Christopher Tampus ang sus­pek na si Ramon Patriarca alias Ka Willy, Deputy Secretary General ng Central Visa­yas Committee ng Communist Party of the Philippines at NPA.

Si Patriarca ay may naka­binbing warrant of arrest dahil sa mga kasong pagpatay at rebelyon na ipinalabas ni Da­nao City Regional Trial Court (RTC) Branch 25 Judge Ne­mesio Evito.

Sa tala ng militar, si Patriar­ca na siya ring tumatayong Finance at Taxation Bureau head ng NPA sa Central Visa­yas ay naaresto sa Brgy Ca­silo, Con­ selacion, Cebu ban­dang alas-5:30 ng hapon. (Joy Cantos)

Show comments