Tricycle sinalpok ng bus; 3 dedo

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Tatlo katao ang nasawi at dalawa pa ang nasa malubhang kala­ga­yan matapos salpukin ng isang pampasaherong bus ang kanilang sinasakyan tricycle kamakalawa ng gabi sa Maharlika Highway, Ba­rangay Dunao, Ligao City. Nakilala ang mga nasawi na sina Ernesto Pitas, Sherwin Canbosa at Christopher Calmante. Ang dalawang sugatan ay isi­nugod sa Josefina Bel­monte Duran Memorial District Hospital.  

Isa namang 42-anyos na lalake ang namatay habang sugatan naman ang isa pang kasamahan nito ma­karaang tumirik ang isang dambuhalang trak mula sa paahong kalsada at maatra­san ang mga una habang sakay ng isang motorsiklo sa Rodriguez Rizal ka­ma­ka­lawa. Kinilala ni Rodri­guez Police Chief Supt. Felipe Abigan Jr. ang na­sawi na si Antonio Galang ng Ampid, San Mateo at ang sugatan naman ay si Richard Layao ng Bagum­bayan, Libis, Que­zon City. Nasa kusto­diya naman ng pulisya ang driver ng Isuzu Elf na si Leo Altiza, 28. (Ed Casulla at Ricky Tulipat)

Show comments