Kawani ng DENR itinumba
KIDAPAWAN CITY – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 28-anyos na kawani ng lokal na sangay ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa panibago na namang karahasang naganap sa bisinidad ng Kidapawan City, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo si Ryan Miranda Tomas matapos ratratin habang naghahanda ng hapunan.
Ayon sa police report, si Tomas ay ika-5 biktima ng pamamaril sa Kidapawan City nitong Enero 2009.
Sa tala ng pulisya, noong Enero 13, binaril at napatay ang skylab drayber sa bahagi ng Barangay Mateo.
Noong Enero 19, binaril at malubhang nasugatan ang isang binatilyo na nakatayo lamang sa labas ng videoke bar sa Singao Road.
Noong Enero 20, binaril at napatay naman ang police asset na si Amado Antipuesto habang tinamaan ng ligaw na bala ang welder na si Tony Alonzo.
Kasunod nito, binaril at napatay naman si Nicolas Gomez Digano sa loob ng kanyang tahanan sa Brgy. San Roque noong Enero 21. Malu Manar
- Latest
- Trending