4 minero minasaker ng MILF
ZAMBOANGA – Apat na minero ang iniulat na pinaslang makaraang pagbabarilin at pagtatagain ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front sa liblib na bahagi ng Sibuco.
Ayon kay P/Senior Supt. Mario Yanga, hepe ng pulisya sa Zamboanga City, naganap ang insidente noong Miyerkules at nadiskubre lamang ito matapos na makahingi ng tulong at makapag-report sa pulisya ang isa sa mga minero na si Mark Endino.
Sinabi ni Endino sa pulisya na nagmimina sila nang maganap ang pamamaslang sa nabanggit na bayan.
Napag-alamang ibinaon ang apat na biktima sa malalim na hukay kaya agad na narekober ang mga bangkay nito.
Gayon pa man, pinaniniwalaang pinagkukutaan ng may 12,000 rebeldeng MILF ang nabanggit na bayan para maangkin.
- Latest
- Trending