Valentine program sa radyo itinigil
Ipinatigil na ng pamunuan ng radio station ang pumatok na dating program na “Hi Pangga” para sa Valentine’s Day sa pamamagitan ng text messages makaraang ma-rape slay ang isang babae ng ka-textmate sa Mandaue City, Cebu, ayon sa ulat kahapon.
Sa pakikipagpulong ng pamunuan Energy FM sa pangunguna ni station manager Roger Calupe sa Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP), nagdesisyon silang pansamantalang itigil ang nabanggit na programa para protektahan ang radio station at organization matapos halayin at mapatay ang biktimang si Emilie Nuñeza ng isang lalaki na naging ka-textmate sa pamamagitan ng nasabing radio program.
Sinabi pa ni Calupe na gagawa sila ng panibagong programa na kakaiba sa naunang dating program.
Nabatid na ang nasabing radio station ay nagbro-broadcast ng mga cell phone number ng mga dalaga at binatang nais na mag-date sa pamamagitan ng text messages sa tulong na rin ng Valentines program ng nasabing himpilan.
Ayon sa police report, si Nuñeza ay pinaslang ng textmate nito na nakilala ng dalaga sa pamamagitan ng Energy FM na nagpakilala lamang sa alyas “Michael.”
Ayon sa police report, tinorture, ni-rape saka pinaslang ng suspek na si Michael at posibleng ng isa pa nitong kasabwat sa krimen hanggang sa matagpuan ang bangkay nito sa Mandaue City Reclamation Area may dalawang araw na ang nakalipas.
Samantala, pinabulaanan naman ng pamunuan ng Star-FM radio station na may kaugnayan sila sa Energy radio kung saan nakilala ng suspek ang biktima ay isang factory worker sa Mactan Export Processing Zone sa Lapu-Lapu City. Joy Cantos
- Latest
- Trending