Leyte at Samar nilindol

Niyanig kahapon ng intensity 6 na lindol ang Pas­trana, Leyte. Naramdaman din ang pagyanig sa Northern at Eastern Samar. Nag­karoon din ng lindol na intensity 5 sa Ormoc City; Palo, Leyte; Intensity 4 sa La Paz, Dulag at Abuyog, Leyte, intensity 2 sa Cebu City, Ca­tarman town, Northern Sa­mar at Borongan, Eastern Samar. Kasama sa nilindol ang General Santos City at Davao City na may lakas na magnitude 5. Ang sentro ay naitala sa layong 145 kl. Silangan timog silangan ng General Santos city. (Angie dela Cruz)

Show comments