Lisensya ng Starmaker sinuspinde

Sinuspinde ng Philippine National Police ang lisensya ng Starmaker Fireworks Inc. na pag-aari ng isang Salvador Tan kasunod ng pag­sabog ng pabrika nito na ikinasawi ng anim nang katao at ikinasugat ng 70 pa sa Trece Martires City, Ca­vite kamakalawa.

Sinabi pa ni PNP-Civil Security Group Chief Superintendent Ireneo Bacolod na hindi pa makakapagpatuloy ng operasyon ang Star­maker dahil nahaharap ito sa mga kasong multiple homicide, damage to property, multiple frustrated homicide at iba pang asunto.

Ayon kay CALABARZON Police Chief Supt. Perfecto Pa­ lad, tinatayang P25 milyon ang halaga ng mga ari-ariang napinsala sa pagsabog na nakasira rin sa kalapit na provincial capitol at isang ospital.

Kasalukuyang sinisilip ng mga awtoridad ang anggulo na aksidente ang pangya­yari dahil isa umano sa tra­bahador ng Starmaker ay su­mubok sa lakas ng gina­gawa nilang paputok hang­gang sa maganap ang pag­sabog. 

Aminado naman ang opisyal na maging ang PNP ay nagulat sa aksidente dahil isa ang Starmaker sa pinakamalaki at pinakatan­yag na manufacturer sa bansa na may makabagong teknolohiya, madalas ma­nalo sa kumpetisyon at pina­kaligtas pagdating sa pa­mamalakad ng pagawaan ng paputok. (Joy Cantos at Cristina Timbang)

Show comments