^

Probinsiya

Cell site sinunog

-

Muli na namang nagpakita ng bangis ang mga rebeldeng New People’s Army matapos sunugin ang isang cell site ng Globe Telecommunications sa panibagong paghahasik ng karahasan sa bayan ng Lucban, Quezon kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Army’s 2nd Infantry Division Spokesman Lt. Frank Sayson, dakong alas – 4:40 ng hapon nang lusubin ng anim na armadong rebelde ang cell site ng Globe sa Brgy. Nalunao, Lucban.

Walang nagawa ang nag-iisang guwardiya dito matapos na tutukan ng baril kung saan sapilitang pinabuksan ng mga rebelde ang gate ng compound ng nasabing Globe cell site.

 Sinabi ni Sayson na nang makapasok sa loob ay agad na binuhusan ng gasolina ng mga rebelde ang kagamitan sa komunikasyon saka sinilaban hanggang sa maabo.

Pinaniniwalaan namang pangingikil ng revolutionary tax ang motibo ng pag-atake ng mga rebelde.  (Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

BRGY

FRANK SAYSON

GLOBE TELECOMMUNICATIONS

INFANTRY DIVISION SPOKESMAN LT

JOY CANTOS

MULI

NALUNAO

NEW PEOPLE

PINANINIWALAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with