^

Probinsiya

5 Trabahador patay, 70 sugatan: Pabrika ng paputok sumabog

-

Umaabot na sa lima ha­bang isinusulat ito ang na­paulat na bilang ng na­sawi habang 70 ang suga­tan sa pagsabog ng isang pabrika ng paputok sa Barangay Concho, Trece Martires City, Cavite kaha­pon ng uma­ga.

Sinabi ni Cavite Police Director Senior Superintendent Hernando Zafra na limang bangkay ang na­kuha sa pagpapatuloy ng paghahalughog ng mga rescuer sa gumuhong gu­sali ng Starmaker Fireworks factory.    

Kinilala ni Zafra ang mga nasawing sina Marlon Rodrin, Mylene Izo, Christian Panganiban, Claudillo Izo at Jr. Amparo, mga trabahador ng Starmaker Fireworks factory sa Ba­rangay Concho.

Sa mga nasawi, dala­wang bangkay lang ang nanatiling buo, ayon kay City Mayor Melencio de Sagun. Gutay-gutay na­man ang bangkay ng tatlo pang bik­tima na isa ay ba­bae at la­lake naman ang dalawa pa.

Sinabi ng pulisya na naganap ang pagsabog sa pabrika bandang alas-10:45 ng umaga.

Sinabi ni de Sagun na, bago naganap ang pag­sabog, merong sinusu­bu­kang paputok sa pabrika para sa idi-deliver na mga produkto sa isang shopping mall sa Pasay City pero pumalpak ito at nag­luko.

“Ang talagang pagka­kamali, yung tao nag-testing na ‘di naman dapat nag-testing sa loob ng compound,” dagdag ng al­kalde.

Sinabi ni Zafra na ina­asahan nilang tataas pa sa pito o mahigit pa ang bilang ng mga nasawi habang patuloy ang retrieval operation sa nagkaputul-putol na mga bangkay.

Base sa rekord, ang na­sabing pabrika ay naka­rehistrong pag-aari ni Mr. Salvador Tan, lisensiyado ito sa pagmamanupaktura ng paputok at may 30 hang­gang 40 empleyado.

BARANGAY CONCHO

CAVITE POLICE DIRECTOR SENIOR SUPERINTENDENT HERNANDO ZAFRA

CHRISTIAN PANGANIBAN

CITY MAYOR MELENCIO

CLAUDILLO IZO

JR. AMPARO

MARLON RODRIN

SHY

SINABI

STARMAKER FIREWORKS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with