^

Probinsiya

Nene ginahasa ng bakla

- Ni Boy Cruz -

BOCAUE, Bulacan – kalunus-lunos ang sinapit ng isang menor-de-edad na batang babae makaraang gahasain ng isang bading na kanyang kasambahay sa isang lugar sa bayang ito.

Kinilala ni PSupt.Ronald De Jesus, hepe ng naturang bayan, ang suspek na si An­gelito Del Carmen y Prado alyas Lovely, 21-anyos, tu­bong Brgy. Malanday, Va­lenzuela City habang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Jeng-Jeng, wa­long taong gulang na grade 1 pupil ng Lolomboy Ele­mentary School at kapwa residente ng Brgy. Bundu­can sa bayan ng Bocaue.

Ayon sa salaysay ng bik­tima, naganap ang pang­hahalay sa kanya tuwing umaalis ang kanyang ina upang pumasok sa trabaho nito sa gabi.

Una siyang hinalay noong Disyembre 26, 2008 sa pagitan ng ika-8 at ika-9 ng gabi sa loob mismo ng kanilang inuupahang bahay sa Brgy. Bunducan.

Sinabi ni Jeng-Jeng na, kapag nagpapaalam na ang kanyang ina upang puma­sok sa trabaho, tuwang tuwa ang suspek dahil parang may binabalak na naman sa kanya na hindi maganda.

Matapos umalis ang kan­yang ina ay agad na isina­sarado ni Lovely ang pintuan ng kanilang bahay bagay na ipinagtataka na bata gayon hindi pa naman sila matu­tulog.

Bigla na lang pupunta si Lovely sa ilalim ng papag na kanyang hini­higaan at bigla na lang tatawagin si Jeng-Jeng ng pasigaw at sasa­bihin na duon sila mahiga at dahil sa natatakot ang bata ay napipilitang sumunod na lamang ito sa kagustuhan ng suspek.

Habang nakahiga ang dalawa ay kukuwentuhan ng mga malalaswang istorya ng suspek ang biktima sabay dakma nito sa mga masese­lang parte ng kanyang ka­tawan at dahil sa mura pa ang gulang ng biktima ay inaakala niya na pangka­raniwan lang itong ginagawa ng mga magkatabi sa pag­tulog.

Bigla na lang magtatang­gal ng damit ang suspek at pagkatapos nito ay sapili­tang huhubarin ang damit ng biktima sabay patong sa murang katawan nito at matapos ang masamang balak ay sasabihan ang biktima na huwag sasabihin sa kanyang ina ang nangyari sa kanilang dalawa.

Kahapong ika-11:00 ng tanghali habang naglalaba ang kanyang ina ay napan­sin nito na tila tulala si Jeng­Jeng at hindi ito nagsasalita kaya napilitang itanong ng ina kung ano ang nangya­yari sa kanya. Dito na ikinu­wento ng biktima habang umiiyak ang ginagawa sa kanya ni Lovely tuwing uma­alis siya at pumapasok sa trabaho.

Habang iniimbestigahan ni PO2 Dorina Camado ng WCCD ay panay ang tanggi ng suspek sa pangyayari subalit nang makaharap na ang biktima at ina nito ay agad ding inamin ang kasa­lanan at ayon sa salaysay ng suspek ay nagawa lamang niya ang panggagahasa dahil sa kalungkutan sa sarili at naghahanap lamang siya ng magpapaligaya sa kanya.

Agad ding sinampahan ng kasong Statutory Rape in relation to R.A 7610 ( Child Abuse ) ang suspek habang nakatakda namang ilipat ang bata sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development upang mabigyan ng karam­patang lunas sa sinapit nito.

BIGLA

BIKTIMA

BRGY

CHILD ABUSE

DEL CARMEN

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

JENG

JENG-JENG

SHY

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with