NUEVA ECIJA –Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng holdap gang ang iniulat na nasawi makaraang makipagbarilan sa pulisya noong Lunes ng hapon sa Barangay Soledad ng bayan ng Sta. Rosa, Nueva Ecija.
Sa ulat na ipinarating ni P/Chief Insp. Reynaldo dela Cruz, kay P/Senior Supt. Ricardo Marquez, nakilala ang dalawa sa tatlong napatay na sina Rodel Hizon, 33, ng Barangay Luna; at Modesto Sison ng Barangay Barrera, Cabanatuan City.
Base sa police report, na katanggap ng impormasyon ang pulis-Sta. Rosa Police kaugnay sa naganap na holdapan sa bisinidad ng Brgy. Luna kung saan ang mga suspek ay sakay ng dalawang motorsiklo na walang mga plaka.
Tumangging huminto ng mga suspek sa silbato ng mga pulis na nakaposte sa checkpoint kaya nagkahabulan hanggang sa maganap ang shootout sa bahagi ng Brgy. Soledad.
Nasamsam sa pinangyarihan ng shootout ang tatlong baril, mga bala at dalawang motorsiklo na ginamit ng tatlo. (Christian Ryan Sta. Ana)