^

Probinsiya

Drug-free na sa Cagayan Valley

-

SANTIAGO CITY – Idineklarang drug-free ang Santiago City na minsan nang binansagan bilang drug capital ng Cagayan Valley.

Ito ang inihayag ni City Mayor Amelita Navarro sa kan­yang State of the City Address noong Lunes (20 Jan) matapos ma-neutralized ang mga grupo na nag­papakalat ng bawal na dro­ga sa nabanggit na lungsod at karatig lala­wigan.

Ayon kay P/Senior Insp. Nestor Garabillo, hepe ng Santiago Cty PNP, ang pagkakadakip sa mga mi­yembro ng De Leon group na sinasabing res­ponsable sa pagpapa­kalat ng droga sa lambak ng Cagayan Valley ang naging susi upang tulu­yang ma­wasak ang ope­rasyon ng droga sa nasa­bing lung­sod.

Umaabot sa 35 tulak ng droga ang naaresto ha­bang 30 na gumagamit ng droga ang boluntaryong sumuko at kasalukuyang nakiki­pagtulungan ngayon sa mga awtoridad para tulu­yan nang mawalis ang salot na droga.  

Dahil dito, nabawasan ang krimen na may kaug­nayan sa droga mula 9 percent noong 2007 sa 6 percent noong 2008 ha­bang ang paglutas naman sa mga kaso ay tumaas mula sa 94 percent hang­gang 98 percent. Victor Martin

CAGAYAN VALLEY

CITY MAYOR AMELITA NAVARRO

DE LEON

NESTOR GARABILLO

SANTIAGO CITY

SANTIAGO CTY

SENIOR INSP

SHY

STATE OF THE CITY ADDRESS

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with