Bisor sa Hanjin pisak sa forklift

SUBIC BAY FREE­PORT – Hindi pa narere­solba ang pagkamatay ng isang 19-anyos na obrero noong Bi­yernes sa Subic Bay, isa na namang supervisor na Ko­reano ang ini­ulat na nasawi makaraang masagasaan ng forklift sa loob ng shipyard ng Hanjin Heavy Industries Corporation-Phils. sa Subic, Zam­bales, kahapon ng ma­da­ling-araw.

Halos mapisak ang ka­tawan ng biktima na si Choi Dong Baek, 51, supervisor ng assembly shop C sa HHIC-Phils.

Samantala, isinailalim na sa imbestigasyon ng pu­lisya ang drayber ng forklift na si Menti Dacana.

Sa ulat na nakarating kay SBMA administrator and chief executive officer Ar­mand Arreza, naitala ang insidente bandang alas-12:30 ng madaling-araw kung saan pinababalik na ng biktima ang mga traba­hador sa trabaho matapos maglaro ng basketball.

Napag-alamang pinata­tanggal ni Baek ang gina­wang basketball ring ng mga tra­bahador hanggang sa ‘di-napansin ng drayber ng forklift ang biktimang yumuko para pulutin ang bola kaya naatrasan ito at napisak.

Si Baek ay ika-19 na kawani ng HHIC-Phils. na naitalang namatay simula nang magsimula ang ope­rasyon ng shipyard sa na­banggit na lugar.

Magugunita na noong Biyernes ay nasawi ang isang 19-anyos na Pinoy worker na si Raldon del Rosario matapos bumigay ang kadena at mabag­sa­kan ng 800 kilong metal door na ikinakabit sa ba­hagi ng shipyard. Sugatan naman si Camalio Buchie, 24 mata­pos mahagip ang kanyang hita. Sa tala ang Hanjin, si del Rosario ay ika-18 na­sawi sa job site su­balit sa tala ng People’s Task Force Hanjin, lumili­taw na 40-tra­bahante na ang namama­tay kabilang na ang nama­tay sa mala­ria. Dagdag ulat ni Danilo Garcia

Show comments