^

Probinsiya

Bisor ng call center kinatay

-

CEBU CITY – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang babaeng bisor ng call center na natagpuang na­ngangamoy kamakalawa ng umaga makaraang pag­sa­saksakin bago isinilid pa sa garbage bag at iniwan sa loob ng hotel sa Man­daue City, Cebu.

Ang biktimang nagtamo ng 24 na saksak ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng ka­tawan ay nakilalang si Lynn-vi Ibareta, 26, ng Ba­rangay Cubacub ng na­banggit na lungsod.

Nilagyan ng masking tape ang buong katawan ng biktima nang nadis­kubre sa room 309 ng Nikki Garden Hotel matapos mag-usisa ang mga room­boy dahil sa reklamo ng ibang customer sa nakaka­sulasok na amoy.

Sa imbestigasyon nina P/Insp. George Aniñon at PO2 Romel Lim, lumilitaw na nag-check-in sa hotel ang nag­pakilalang Tina Pa­nganiban ng A.S. For­tuna Street, Man­daue City, at nag-iwan pa ng cell phone number kung saan nadis­ku­breng pag-aari ng bik­tima.

Noong Lunes ng Enero 20, sinabi ng front desk officer na si Morina Ybañez, ay nag-check-out na si Pa­nganiban kayat inilagay nila sa log book na out na ito ng gabing iyon.

Subalit noong Huwebes ay nagreklamo ang mga customer sa mga katabing kuwarto ng room 309 dahil sa masangsang na amoy kayat ginalugad ng hotel personnel ang pinagmu­mu­lan ng amoy sa nasa­bing kuwarto hanggang sa matagpuan ang bangkay ng biktima.

Napag-alaman din na ilang araw matapos ang Sinulog Festival ay may mga nagpakilalang kamag-anak ng biktima na dumu­log sa himpilan ng pulisya upang ipa-blotter ang pag­kawala ng biktima.

May teorya ang pulisya na matinding selos ang isa sa motibo ng krimen ha­bang patuloy naman ang imbestigasyon. Edwin Ian Melecio

vuukle comment

CEBU

EDWIN IAN MELECIO

GEORGE ANI

MORINA YBA

NIKKI GARDEN HOTEL

NOONG LUNES

ROMEL LIM

SHY

SINULOG FESTIVAL

TINA PA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with