Mag-anak niratrat, patay
Tatlong miyembro ng isang pamilya ang nasawi habang dalawa pa ang nasugatan nang pagbabarilin ng 14 armadong kalalakihan sa Prosperidad, Agusan del Sur nitong Biyernes ng umaga.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Enberto Tequin, 54-anyos; Misis nitong si Loreta, 42- anyos; at tatlong taong gulang na anak nitong si Jobert.
Ang mga nasugatan na nakilala namang sina Jane Maambong at isang alyas Balug Binamban ay isinugod na sa DO Plaza Memorial Medical Center para malapatan ng lu nas.
Pinaslang ang mga biktima sa loob ng tahanan ng pamilya Tequin sa Purok 4, Brgy. La Purisima, Prosperidad dakong alas-8:00 ng umaga.
Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang sumulpot sa lugar ang mga salarin na armado ng M 16 rifles at agad na pinagbabaril ang tahanan ng pamilya.
Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni PO3 Ana Rose Lala ng Prosperidad Municipal Police Station na natukoy na nila ang lima sa mga suspek matapos makilala ng mga kapitbahay ng mga biktima pero hindi muna maaring ihayag ang pagkakakilanlan dahil baka mabulilyaso ang kanilang dragnet operation. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending