Dalaga tinodas ng nobyo

Pinagsasaksak at napa­tay ng binatang si Christian Pamaso ang kasintahan niyang si Geraldine Mon­tejo at ama nitong si Gre­gorio habang sugatan ang ina ng dalaga nang mag­wala ang suspek sa pag­tanggi ng matatandang Montejo sa relasyon niya sa anak ng mga ito.

Nakulong naman si Pa­maso matapos maaresto ng pinagsanib na elemento ng Sta. Cruz Police at 39th Infantry Battalion ng Philippine Army habang papa­takas.

Naganap ang pama­mas­lang sa bahay ng mga biktima sa Barangay Co­rononm Sta. Cruz, Davao del Sur bandang alas-6:00 ng umaga.

Dinalaw ni Pamaso si Geraldine pero tahasan siyang pinagsabihan ng mga magulang ng huli na hindi nila ito gusto para sa kanilang anak kaya mas mabuti pang maghi­ walay na lamang ang mga ito.

Hindi umano naibigan ni Pamaso ang pag-ayaw sa kanilang relasyon ng ka­sintahang si Geraldine ng mismong mga magulang nito. 

Nainsulto si Pamaso nang sabihan siya na ma­hirap lang siya at hindi niya kayang buhayin si Geral­dine.

Nagtungo si Pamaso sa kusina, kumuha ng matalim na kutsilyo saka pinagsa­saksak ang nobya gayun­din ang ama at ina nito.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek subali’t nasukol ito ng mga nagrespondeng awtoridad. (Joy Cantos)

Show comments