Binaril at napatay ang isang 49-anyos na misis ng kanyang mister na adik sa droga sa harapan mismo ng mga anak habang naghahapunan sa loob ng kanilang tahanan sa Cadiz City, Negros Occidental kamakalawa. Napuruhan sa ulo ng bala ng baril ang biktimang si Elizabeth Cardinal, habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Ricky Cardinal na kapwa naninirahan sa Barangay Andres Bonifacio, Cadiz City. Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pamamaril sa loob ng tahanan ng pamilya sa Hacienda Unson dakong alas-7 ng gabi. Nabatid na naghahapunan ang pamilya nang biglang paputukan ng suspek na sinasabing lango sa bawal na gamot ang kanyang misis. Joy Cantos