^

Probinsiya

Ex-teacher tiklo sa rape

-

CAMP DUMLAO, Nueva Vizcaya – Rehas na bakal ang binagsakan ng isang 30-anyos na dating guro maka­raang maaresto sa kasong rape na isinampa ng isang 21-anyos na babae sa Barangay Vista Allegre sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya. Pormal na kinasuhan ang suspek na si June Perez ng Belance Dupax Del Norte at kasalukuyang collector ng isang kompanya. Itinago na­man sa pangalang Eva ang biktimang namamasukan sa burger store bilang sales lady sa Brgy. San Geronimo sa Bagabag. Ayon kay P/Senior Insp. Maciste Extor Ser­rano, hepe ng Bagabag PNP, nagmagandang loob ang suspek na ihatid ang biktima sa boarding house noong Martes (Enero 13). Dahil sa kakilala at dating teacher ay pumayag ang biktima subalit dinala siya ng suspek sa bakanteng kubo at doon isinagawa ang maitim na balak. (Victor Martin)

Ama napatay ng anak

CORDON, Isabela – Isang 49-anyos na ama ang iniulat na nasawi matapos na aksidenteng mabaril sa ulo ng kan­yang anak kamakalawa sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Quezon sa bayan ng Cordon, Isabela. Kinilala ng pulisya ang biktima si Rogelio Tomas, habang naka­kulong naman ang suspek na si Sammy Castillo Jr., stepson ng biktima. Batay sa police report, lumilitaw na nakikipag-inuman ng alak ang suspek sa kanyang mga kaibi­gan nang paglaruan nito ang baril. Napag-alamang pinayu­han ng biktima ang suspek na huwag paglaruan ang baril, subalit sa halip na makinig ay binalewala nito ang pangaral ng amain. Gayon pa man sa pag-aakalang walang bala ay itinutok ang baril sa amain at kinalabit ang gatilyo kaya sumalubong si kamatayan. (Victor Martin)

Bus vs bus: 43 sugatan

CAMP SIMEN OLA, Legazpi City – Umaabot sa 43-katao ang iniulat na nasugatan makaraang magsalpukan ang dalawang pampasaherong bus sa kahabaan ng San Jose Bridge sa Barangay San Jose, Pili, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Dalawa sa 43 sibilyan na nasugatan at naisugod sa Bicol Medical Center ay sina Bienvido Sevilla, 43, drayber ng Eagle Star Bus, residente ng Brgy. Pira­sanon, Pinagbacdao, Western Samar; at Michael Cuna, 37, drayber ng Ultra Bus at residente ng Sitio Pagkaisa, Sucat, Muntinlupa City. Batay sa ulat ng pulisya, patungong Maynila ang Eagle Star Bus (EVM 321) mula sa Samar nang mag-overtake sa pampasaherong jeepney kaya hindi na nito naiwasan ang kasalubong na Ultra Bus (PYX 624) kaya naganap ang sakuna. (Ed Casulla)

vuukle comment

BAGABAG

BARANGAY QUEZON

BARANGAY SAN JOSE

BARANGAY VISTA ALLEGRE

BATAY

EAGLE STAR BUS

NUEVA VIZCAYA

SHY

ULTRA BUS

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with