9 bayan sa Catanduanes nasa state of calamity

Isinailalim na sa state of calamity ang siyam na bayan ng Catanduanes bunsod ng nararanasang malawakang flashflood at landslide dulot ng tail end of the cold front, ayon sa ulat kahapon.

Batay sa report na tinanggap ni National Disaster Coordinating Council (NDCC) Executive Director Glenn Rabonza, kabilang sa inilagay sa state of calamity ang Ba­gamanoc, Baras, Bato, Caramoran, Gigmoto, Pan­dan, Panganiban, San Miguel at Viga.

Ang nasabing mga lugar ay grabeng naapektuhan ng mga pagbaha at pag­guho ng lupa bunga ng malalakas na pag-ulan umpisa pa nitong nakalipas na linggo. (Joy Cantos)

Show comments