Census sa ibon
January 17, 2009 | 12:00am
MALOLOS CITY – Muling magsasagawa ng census sa mga migratory birds sa Candaba Swamp ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources ngayong Sabado bilang bahagi ng pagpapanatiling bird flu- free ang bansa.
Ayon kay Michael Lu, pangulo ng Wild Birds’ Club na katulong sa pagsasagawa ng pagbilang sa mga ibon, layunin na matukoy kung nababawasan o nadadagdagan ang bilang ng mga migratory birds na namamalagi sa Candaba Swamp bawat taon. (Dino Balabo)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest