5 kidnapper timbog, biktima nasagip

Isang biktima ng mga kidnaper ang nasagip ha­bang limang suspek ang nadakip nang salakayin ng mga tauhan ng Laguna Police at ng National Bureau of Investigation ang kuta ng mga ito sa Ba­rangay Sto. Niño, San Pablo City, Laguna kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ni Laguna Provincial Police Office Director Sr. Supt. Manolito La­bador ang mga naares­tong suspect na sina Sarah Mus­line, Mancao Arid, Dominador Junior Mala-uni, Esmael Baramabaga, pawang tubong Marawi City, at Raja Moda Musline, tu­bong Taracan, Lanao del Sur.

Nakilala naman ang biktima na si Adjib Tiburon, 30 anyos, na kinidnap ng grupo noong Enero 2 sa Islamic Center sa Quiapo, Maynila.

Nadakip ang mga kidnapper sa entrapment operations sa safehouse ng mga ito sa Purok 2, Alcaras Subdivision sa Barangay Sto. Niño bandang alas-6:00 ng gabi nitong Hu­webes.

Ayon kay Labador, ang mga suspek ay inaresto sa aktong tumatanggap ng P600,000 ransom mula sa pamilya ni Tiburon.

Narekober mula sa mga kidnapper ang isang kulay abong Toyota Corolla na may plakang TNR-721, cal. 38 at dalawang cell phones.

Show comments