Vice mayor, 2 sugatan sa road mishap
VIGAN CITY, Ilocos Sur – Tatlo-katao kabilang ang vice mayor sa bayan ng Carasi, Ilocos Norte ang himalang nakaiwas sa karit ni kamatayan makaraang sumalpok ang sasakyan ng mga biktima sa nadiskaril na 10-wheeler truck sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Mambog, Sta. Cruz, Ilocos Sur noong Martes ng gabi.
Kabilang sa mga sugatang naisugod sa Tagudin General Hospital ay sina Vice Mayor Rene V. Gaspar, driver nitong si Alexander Domingo, 32; at isa pang hindi nakilala.
Ayon kay P/Senor Supt. Virgilio Fabros, provincial police director, nagkaaberya ang makina ng truck (UDG 323) na minamaneho ni Rudy Corpuz kaya napatigil sa gitna ng highway sa southbound lane.
Hindi na naiwasan ng drayber ng Toyota Revo (SFV 969) na si Alexander Domingo kaya sumalpok sa trak bandang alas-7:50 ng gabi.
Nabatid na ang grupo ni Vice Mayor Gaspar ay sinasabing dadalo sa komperensya sa San Fernando City nang maganap ang sakuna.
Ayon sa pulisya, kakasuhan ni Vice Mayor Gaspar ang drayber ng trak dahil sa hindi paglalagay ng early warning device nang masiraan ng makina. Artemio Dumlao
- Latest
- Trending