^

Probinsiya

Pagbusisi sa crash landing sinimulan

-

ILOILO CITY – Muling nagbalik ang operasyon ng Caticlan Airport sa ba­yan ng Malay, Aklan mata­pos ang isang araw mula ng sumab­lay sa runway ang eroplano ng Zest Airways na may lulang 21 pasahero at 5-crew.

Nabatid na nailabas na sa ospital ang 17- nasuga­tang maliban kay Rowena Ver­ zosa ng Quezon City na ninais na lumipat sa ospital sa Maynila dahil sa tinamo nitong bali sa kanyang ka­nang braso at iba pang parte ng katawan.

Kabilang sa mga pa­sa­hero na naisugod sa Ca­ticlan Baptist Hospital ay ang limang dayuhan na sina James Peter Tauer­man, German doctor; ka­samahang Aleman na si Bernd Doehler; Canadian Mark Samson, at mga Ko­reano na sina Jun Tin Sun at Koi Dong Dyu.

Sinabi naman ni Zip­porah Zabala, officer-on-duty sa Caticlan Airport na sa ngayon ay sinimulan na ng grupo ni Hilario Cabu­gon ng Safety Department ng Civil Aviation Authority, ang imbestigasyon kung saan nag-overshoot sa runway ang Zest Airways Flight RIT 865 na pinalipad nina Capt. Vicente Gaza Jr. at co-pilot na si Jeffrey Lim noong Linggo ng hapon.

Gayon pa man, wala pa rin konkretong ebidensiya na magtuturo kung ano ang dahilan ng nasabing plane crash landing maliban sa malakas na hangin.

Sa kasalukuyan ay na­natili pa rin sa parking bay number 1 ang nawasak na 56-seater plane na gawa sa China. (Ronilo Pamonag)

BAPTIST HOSPITAL

BERND DOEHLER

CANADIAN MARK SAMSON

CATICLAN AIRPORT

CIVIL AVIATION AUTHORITY

HILARIO CABU

JAMES PETER TAUER

JEFFREY LIM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with