^

Probinsiya

45 barangay sinalanta ng tubig-baha

-

Umaabot na sa 100,000-katao ang iniulat na na­ apek­tuhan sa pananalasa ng tubig-baha sa mga lung­sod ng Cagayan de Oro, Gi­ngoog at 13 bayan ng Misa­mis Oriental na iki­nasawi ng 5-katao habang 13 iba pa ang nawawala, ayon sa ulat kahapon. 

Base sa ulat ng City Disaster Coordinating Council, naitala sa  29,000 pa­milya ang sinalanta ng ma­lawa­kang pagbaha mula sa 32 barangay sa Cagayan de Oro City.

Kabilang sa mga apek­tado ng tubig-baha ay ang mga Barangay Macasan­dig, Carmen, Puntod, La­pa­san, Bugo, Consolacion, Iponan, Bulua at ang Ba­rangay Ka­uswagan.

Ayon kay Criselda Jo­son, ground commander ng City Disaster Coordinating Council (CDCC), nasa 31 kabaha­yan sa Brgy. Bugo ang ba­hagyang na­pinsala ng pag­baha.

Napag-alaman, na isang bata rin ang nasawi matapos malunod sa tubig-baha sa Brgy. Pagatpat habang apat na bata naman ang nawa­wala matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig-baha.

Naitala naman sa 18,650 pamilya ang apektado ng tubig-baha sa 13 bayan sa Misamis Oriental at Gingoog City  kung saan 5-katao ang nalunod na inaalam pa ang pagkakakilanlan at patuloy ang search and rescue operations sa mga nawawala pang biktima.

Nabatid na nasa 15 pa­aralan na ang nagdeklara ng walang pasok ngayong araw dulot ng walang hum­pay na pagbuhos ng ulan sa mga nasabing lugar.

Ayon naman kay Gingoog City Mayor Ruthie de Lara Guingona, nasira rin ang Agay-ay Bridge kung saan nag-crack ang first lane nito kaya nahirapang makatawid ang mga sasakyan lalo na ang mga malalaki tulad ng bus at cargo truck. 

Kaugnay nito, pinayuhan ng mga lokal na opisyal ang mga residente na isagawa ang kaukulang pag-iingat upang makaiwas sa pinsala ng kalamidad.

Ang flashflood ay sanhi ng malalakas na pagbuhos ng ulan sa lugar simula pa noong nakalipas na linggo. (Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

BARANGAY MACASAN

BRGY

BUGO

CITY DISASTER COORDINATING COUNCIL

CRISELDA JO

GINGOOG CITY

GINGOOG CITY MAYOR RUTHIE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with