^

Probinsiya

17 sugatan sa plane crash landing

- Ronilo Pamonag -

ILOILO CITY – Uma­abot sa 17-katao kabilang ang li­mang banyaga at dalawang ground crew ang iniulat na na­sugatan ma­karaang mag-undershot sa runway ang ero­plano ng Zest Air MA60 (dating Asian Spirit) sa Ca­ticlan Air­port sa Aklan kaha­pon ng umaga.

Kabilang sa 20 katao na nasa Caticlan Baptist Hos­pital ay ang limang dayuhan ang iniulat na nasugatan base sa ulat ni Jodel Rentillo ng Ra­dio Boracay, ay sina James Peter Tauerman, German doctor; kasamahang Ale­man na si Bernd Doehler; Canadian Mark Samson, at mga Koreano na sina Jun Tin Sun at Koi Dong Dyu.

Maging si Rowena Ver­soza, 40, ng Quezon City ay nagka-fractures sa leeg at da­­ lawang braso at si Evelyn Ra­noa, 29, ng Sta. Mesa, May­­­nila ay nana­tiling nakatulala.

Nabatid din na ang security guard na si Rodgen Arca ay tinamaan sa bibig ng debris habang si Nestor Salay naman ay nasugatan sa tu­hod matapos madapa sa pag-iwas sa naganap na insi­dente.

Hindi naman nakapag­bi­gay ng komento si Mejan Tor­res ng Caticlan Air Transportation Office sa posibleng da­hilan ng insi­dente na na­ganap dakong alas-6:57 ng umaga.

Ayon kay Torres, ang na­sabing eroplano na pi­na­lipad ng isang nagnga­ngalang Captain Vicente Gaso at co pilot Jeffrey Lim ay natangga­lan ng kaliwang propeller sa makina at mapalad na hindi nagliyab dahil na rin sa mabilis na responde ng airport crash fire and rescue units kaya nabomba ng kemikal sa mga makina na umaandar na rin kahit na bumangga sa kong­kretong safety barrier na pro­teksyon ng isang coffee shop sa loob ng terminal.

Dahil sa insidente, pan­sa­mantalang ipinasara ang runway sa air traffic na naka­apekto sa flight ng ilang erop­lano at binuksan naman para sa normal operations ban­dang alas-12:15 ng hapon.

Kasalukuyan naman ini­imbestigahan na ng pangkat ng Civil Aviation Authority of the Phils. (CAAP) ang naga­nap na insidente. (Dagdag ulat nina Danilo Garcia at Ellen Fernando)

ASIAN SPIRIT

BERND DOEHLER

CANADIAN MARK SAMSON

CAPTAIN VICENTE GASO

CATICLAN AIR TRANSPORTATION OFFICE

CATICLAN BAPTIST HOS

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILS

DANILO GARCIA

ELLEN FERNANDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with