NUEVA ECIJA — Dalawang sibilyan ang iniulat na nasawi habang anim na iba pa ang nasugatan makaraang magbarilan ang dalawang grupo ng kalalakihan sa loob ng sabungan sa Barangay Soledad, Sta. Rosa, Nueva Ecija, noong Sabado ng madaling-araw.
Sa ulat ni P/Chief Insp. Reynaldo dela Cruz, hepe ng pulisya, nakilala ang mga nasawing sina Ramilito Sadsad, 41, ng Lipahan, San Juan, Batangas; at Reynaldo Carlos, 38, ng Gen. Tinio St., Barangay Quezon Dist., Cabanatuan City. Naisugod naman sa ospital sina Edward Villalon, 49; Rolando Aduna, 50; Emely Aduna, 49; Fe de Leon, 45; Luis Alday, at si Crisanto Cabog.
Base sa police report, mag-away ang nasawing si Sadsad at ang security aide ng Cabanatuan City ex-councilor na si Amboy Lovete, sa loob ng Sta. Rosa Cockpit Arena kaugnay sa pustahan.
Makalipas ng ilang minuto ay umalingawngaw ang serye ng putukan ng baril kaya nagkagulo at nagtakbuhan ang mga manunuod ng sabong hanggang sa natagpuan ang dalawang patay.
Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Lovete na sinasabing utak sa pamamaril. Christian Ryan Sta. Ana