32 MILF todas sa air strike
Umaabot na sa 32 miyembro ng Moro Islamic Liberation Front rene gades ang napaslang sa dalawang araw na airstrike operations sa umaatikabong bakbakan ng militar at ng MILF sa Kalamansig, Sultan Kudarat, ayon sa opisyal kahapon.
Ayon kay Col. Julieto Ando, tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, 20 pang MILF renegades mula sa grupo ni Commander Boyet at Commander Jikiri ang napatay ng tropa ng pamahalaan kamakalawa.
Nitong Miyerkules, sa inilunsad na air strike operations ng Armed Forces of the Philippines gamit ang dalawang MG 520 at isang OV 10 bomber plane sa kinaroroonan ng lawless MILF groups ay nasa 12 rebelde na napaslang ang nakita ng mga sibilyan na hinila sa encounter site ng kanilang mga kasamahan.
Kaugnay nito, pinabulaanan naman ni Ando ang napaulat na may napatay na tatlong CAFGU at isang sundalo sa umaatikabong bakbakan sa lugar.
Kaugnay nito umaabot naman sa mahigit 30 kabahayan ng mga Kristiyano sa Brgy. Sangay ang sinunog ng lawless MILF group habang nasa 60 kalabaw ang ninakaw ng mga ito maliban pa sa paninira ng mga pana nim.
Kasabay nito, pinagbabaril ng MILF ang isang assaut craft ng Philippine Navy habang nakadaong ito sa pier ng Barangay Poblacion, Kalamansig, Sultan Kudarat kamakalawa ng madaling-araw.
- Latest
- Trending