3 'kawatan' ng kable, tiklo
BULACAN – Tatlong kalalakihan na sinasabing notoryus na magnanakaw ang naaresto ng pulisya kahapon ng madaling-araw makaraang maaktuhang nagpupuslit ng libu-libong halaga ng kable ng kuryente sa pabrika ng sigarilyo sa Barangay Tikay, Malolos City, Bulacan.
Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Gilbert dela Torre, Dionisio Querol, at Alfredo Silvestre na pawang residente ng Brgy. Bigaang Matanda, sa bayan ng Balagtas, Bulacan.
Ayon sa hepe ng CIDG sa Bulacan na si P/Chief Insp. Julius Caesar Mana, lumitaw na naghahakot ng saku-sakong ipa ng palay ang mga suspek mula sa bodega ng pabrika ng si garilyo nang namataan ng security guard ang kahina-hinalang ikinikilos ng mga ito.
Napansin ng guwardiya na sa halip na paisa-isa ang lagay ng mga sako ng palay sa trak ay pinagsabaysabay at tila napakabigat ng mga sakong di nadala.
Kaagad naman ipinaalam ng sekyu sa isang opisyal ng pabrika na si Julian Linsangan, ang insidente kaya mabilis itong humingi ng police assistance.
Nang papalabas na sa pabrika ang truck (WGZ-371) ng mga suspek ay kaagad na pinahinto at ininspeksyon ng mga awtoridad. Romeo “Boy” Cruz
- Latest
- Trending